28

Apr 15, 2020 @ 14:41
By

Sa mahigit 1 buwan: Taiwan walang naitalang bagong COVID positive

Inuulan ng mga papuri ang Taiwan dahil sa mahusay na pagkontrol nito sa coronavirus sa kabila na may kaugnayan sila sa China, ang pinagmulan ng COVID-19 outbreak.

Nagkaroon ng pag-asa ang mundo sa paglaban sa coronavirus disease matapos makapag-report ng “zero new case” ng infected sa mahigit isang buwan ang Taiwan.

Sa kasalukuyan, mayroon lang na 393 na positibo ng virus sa Tawain habang anim ang nasawi.

Nasa 23 milyon ang populasyon sa Taiwan.

Unang iniulat ng Central Epidemic Command Center ng Taiwan ang “no new case” noong Marso 9.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?