22

Jun 24, 2020 @ 19:15
By

Sa loob ng 6 buwan: Lampas 90K empleyado nawalan ng trabaho

Mahigit 90,000 na manggagawa ang nawalan ng hanapbuhay nationwide sa nakalipas na anim na buwan ng 2020.

Batay sa Job Displacement Report ng Department of Labor and Employment, kabuuang 90,215 empleyado ang natanggal sa may 3,189 establisyimento mula Enero 2020 hanggang Hunyo 21.

Nasa 2,895 establisyimento naman ang nagbawas ng kanilang workforce habang ang 294 establisyimento ang nag-report ng pagsasara.

May pinakamaraming natanggal sa trabaho sa National Capital Region sa 45,046 displaced workers.

Sumunod dito ang Calabarzon sa 17,805; Central Luzon, 8,107; Cordillera Administrative Region, 5,136; Central Visayas, 3,992; Ilocos Region, 2,581; Northern Mindanao, 2,173; Davao Region, 1,010; at Western Visayas, 932.

Ang report ay base sa “notices of shutdown and retrenchment” na isinumte ng mga employer sa mga DOLE regional office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?