46

Jan 12, 2022 @ 18:36
By

Sa loob ng 15 taon! Bulag na ginang muling nakakita

Hindi inaasahan ng isang ginang sa Colorado, US, na muli siyang makakakita matapos ang 15 na taong pagiging bulag.

Natuklasan ni Connie Parke na siya ay bulag sa loob ng 15 taon nang walang dahilan matapos sabihin sa kaniya ng isang doktor na siya ay na-misdiagnosed sa nakalipas na taon.

Noong unang lumabo ang kanyang mga mata, sinabi kay Parke na mayroon siyang glaucoma o detached retinas at hindi na siya makakakita pa. Ngunit makalipas ang ilang taon, nagpatingin ulit siya sa isang ophthalmologist.

Dito na sinabi sa kaniya na mayroon siyang katarata, isang karaniwang sakit ng mga tumatanda kung saan lumalabo ang kanilang mga mata. Gayunpaman, ang katarata ay maaaring alisin sa pamamagitan ng isang mabilis na operasyon.

Dahil dito, agad sumailalim si Parke sa operasyon sa kanyang kanang mata noong Nobyembre at sa kanyang kaliwang mata makalipas ang dalawang linggo.

“People need to get rechecked because I was blind for 15 years probably for no reason. They’ve been doing cataract surgeries for years,” ani Parke sa isang panayam.

Ngayon, masaya si Parke na nakikita niya na ang kaniyang mga apo maging ang kaniyang asawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: