93

Apr 8, 2020 @ 18:12
By

Sa loob lang ng 1 linggo: PICC bilang COVID quarantine facility tapos na

Dahil sa pagtutulungan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), EEI Corporation at Villar-led Vista Land Group, nakumpleto na ang konstruksyon ng health facility sa Philippine International Convention Center (PICC) Forum Halls para sa mga COVID patient.

Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, natapos na sa loob lang ng pitong araw ang makeshift hospital sa PICC Forum Tent.

Kumpleto ito ng 294 patient cubicle, anim na nurse station, at anim na smart house sa labas ng Forum building para sa mga health worker.

Mas maaga aniya silang natapos sa target na 10 days work programmed para sa PICC Forum Tent conversion.

Handa na ang fully airconditioned health facility para mangalinga ng mga pasyenteng may mild hanggang sa moderate case ng coronavirus disease sakaling mailagay na ang mga medical equipment gaya ng mga hospital bed.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?