4,515

Sa likod ni Nadine, James may kahalikan – mga netizen

Matapos kumpirmahin kagabi ang hiwalayang James Reid at Nadine Lustre, samu’t saring intriga ang naglilitawan sa social media.

Trending ngayon sa Twitter ang video ng umano’y halikan sa isang party nina James at Issa Pressman, kapatid ng aktres at kaibigan ng JaDine na si Yassi.

Nangyari ito habang nakaharap si Nadine sa DJ, habang nakatalikod sa dalawa.

Ito rin ang hula ng mga netizen sa January 19 blind item ng Fashion Pulis, kung saan nila tinukoy na may gusto ni Issa si James, kahit pa may Nadine ito.

Kagabi, Enero 20, 2020, sa “Tonight with Boy Abunda” nilabas ang joint statement ng JaDine kung saan nila kinumpirmang naghiwalay na nga sila.

Ito, matapos ang ilang linggong kontrobersiya kung tunay nga ba ang hiwalayan o hindi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?