16
james-yap1
By

Sa kabila ng mga kontrobersiya, James Yap focus sa basketball

Sharing is caring!

Ang mga bagay-bagay na posibleng makaapekto o maka-distract sa kanyang laro, iniiwan ni James Yap sa bahay kaya pagtapak sa court, naka-focus na ito sa kanyang gagawin.

“Lagi ko sinasabi, ‘pag meron mga ganyan na personal sa buhay, kailangan pagdating dito sa Araneta, sa trabaho, sa home court mo, kailangan iwan mo sa bahay mga problema mo,” sagot ni Yap nang matanong kung paano niya hinaharap ang mga kontrobersiya sa personal na buhay.

Dati pa raw ay ganun na ang ginagawa niya, pakiramdam ng two-time MVP na produkto ng UE ay nasanay na siya.

Kita iyon sa laro ng 36-anyos na si Yap nang kumonekta ng 3 for 5 mula 3-point range tungo sa 13 points para tulungan ang Rain or Shine sa 108-89 paglampaso sa Ginebra Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

“Professional naman ako, kelangan iwan mo (kontrobersiya) sa bahay, mag-focus ka sa game,” dagdag niya. “Sa basketball kasi kailangan ‘yung focus, ‘yun ‘yung nagdadala sa ‘yo. ‘Pag wala ka sa focus, mawawala ka sa timing. Ina-apply ko lang ‘yung experience ko before, okay naman, nakaka-shoot pa rin naman.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?