107

Feb 22, 2020 @ 13:05
By

Sa kabila ng COVID-19: PMA alumni homecoming natuloy

Kahit may banta ng coronavirus disease, natuloy pa rin ang Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming nitong Sabado.

Para maiwasan ang banta ng COVID-19, limitadong bilang ng tao lang ang pinapasok sa school grounds na isinara sa publiko at tanging mga malalapit na kamag-anak lang ng mga alumni ang makapapasok.

As much as we can, nili-limit lang namin ‘yung taong pumapasok sa loob. We are doing the best we can para hindi tayo masyadong maapektuhan. We are trying to protect the health and the welfare of the cadets and the general public,” ayon kay PMA Spokesperson Capt. Cherryl Tindog.

Kahit ang mga media na nais makapag-cover ng nasabing event ay pinagbawalan din sa venue.

Hindi naman napuno ang grandstand ng Borromeo Field dahil ilan umano sa mga class ay piniling mag-reunion noong isang linggo dahil marami na ang nakapag-book ng hotel para sa araw kung kailan ang homecoming.

Dapat ay noong Pebrero 15 pa gaganapin ang homecoming, ngunit naurong dahil sa banta ng COVID-19.|

Sa nasabing event, dumalo sina Philippine National Police Gen. Archie Gamboa, Interior Secretary Eduardo Año, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Senator Panfilo Lacson, at Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gringo Honasan III.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?