46
Big-time rollback sa presyo ng langis ilalarga
Oct 10, 2021 @ 13:41
By

Sa ika-7 taas presyo ng produktong petrolyo

Bayan Muna: Cusi wapakels sa presyo ng langis, busy sa partido

Masyado umanong naging abala si Energy Secretary Alfonso Cusi sa paghahanap ng standard-bearer o benchwarmer ng kanilang partido habang patuloy sa pagtaas ang presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Bayan Muna chairperson Neri Colmenares parang nakalimutan na ni Cusi na ang kanyang trabaho ay tiyakin na mababa ang presyo ng produktong petrolyo at kuryente.

“It seems that Energy Secretary Cusi was so busy scrambling for a standard-bearer or a benchwarmer for their Presidential bet that he forgot his job of keeping prices of oil and electricity down,” sabi ni Colmenares, senatorial candidate ng Makabayan bloc.

Ayon sa mga ulat, tataas ng P1.40 hanggang P1.50 kada litro ang presyo ng gasolina, diesel at kerosene ngayong linggo. Ang presyo ng diesel na ginagamit ng mga pampublikong sasakyan ay halos P50 kada litro na.

“As many Filipinos lose jobs due to the pandemic, and with others just about to try and recover from the recession, the Department of Energy should be at the forefront in ensuring that utility rates are at an affordable rate,” dagdag pa ni Colmenares.

Noong nakaraang linggo ay inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) na magpapatupad ito ng pagtaas ngayong buwan.

“Iyong sinasabi nila mas masaya ang magiging pasko this year, hindi yata magkakatotoo dahil mababaon naman sa bayarin ang mga Pilipino,” wika pa ng dating kongresista.

Noong Biyernes ay marami ang nagulat ng maghain ng kanyang certificate of candidacy si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa para sa pagkapangulo sa ilalim ng PDP-Laban, ang partido na pinamumunuan ni Cusi. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?