2,223

By

Sa hiwalayang JaDine: Yassi inaway, pinagtanggol

Halu-halong reaksiyon ang pinukol kay British-Filipina aktres Yassi Pressman ng mga JaDine fan.

Trending kasi ngayong Martes sa Twitter ang video ng umano’y halikan sa isang party nina James Reid at Issa Pressman, kapatid ng aktres at kaibigan ng JaDine na si Yassi.

Nangyari ito habang nakaharap si Nadine Lustre sa DJ, habang nakatalikod sa dalawa.

Ayon sa ilang netizen, kinukunsinti umano ni Yassi ang kapatid kahit na hindi naman dapat.

Dumepensa naman ang ilan kay Yassi at sinabing huwag nang idamay ang aktres na busy sa pagtulong sa mga nasalantang Batangueño at alagang hayop sa pagsabog ng Bulkang Taal.

Kagabi, Enero 20, 2020, sa “Tonight with Boy Abunda” nilabas ang joint statement ng JaDine kung saan nila kinumpirmang naghiwalay na nga sila.

Ito, matapos ang ilang linggong kontrobersiya kung tunay nga ba ang hiwalayan o hindi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?