213

Jan 31, 2020 @ 15:42
By

Sa halip sisihin, China ipagdasal – mga netizen

“Hate the virus, but don’t hate the Chinese people. Remember they are still human and they’re struggling too.”

Ito ang pinaglalaban ng mga netizen sa gitna ng pagkumpirma ng Department of Health ng unang kaso ng coronavirus sa Pilipinas at pagkagalit ng iba sa mga Chinese na pinagmulan ng virus.

Naawa ang mga netizen nang kumalat sa social media ang mga litrato at video ng mga kaganapan sa China kung saan nag-iiyakan ang mga biktima at mga kaanak nila.

Anila, hindi dapat sisihin ang China dahil biktima rin ang mga ito kaya binuhay nila ang hashtag na #PrayForChina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?