225

Jul 26, 2021 @ 17:19
By

Sa gitna ng speech! Duterte pinuri si Sotto

Sa gitna ng kanyang State of the Nation Address (SONA) ay nagsambit ng pasimpleng adlib si Pangulong Rodrigo Duterte kung saan pinuri niya si Senador Tito Sotto.

Si Sotto, bilang Senate President, ay nakaupo sa likod ni Duterte sa gitna ng kanyang talumpati.

Ngunit ‘di inaasahan na sa gitna ng kanyang pagsasalita ay isiningit pa ng pangulo ang paghanga nito kay Sotto.

“With all due respect to our senate president… He is a good man…He can be a good vice president,” wika ni Duterte

“He is a capable man… a good man and a Filipino,” dagdag pa ng pangulo.

Si Sotto ay nagpahayag na ng intensyon ng pagtakbo bilang pangalawang pangulo sa 2022.

Samantala, si Duterte naman ay tinutulak ng kanyang mga kaalyado na tumakbo rin sa 2022 bilang bise presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?