Pilit na kinuha ng mga pulis ang mga gamit ng ilang nagsimba sa loob ng Quiapo Church sa Maynila nitong Lunes.
Nangyari ito habang nagaganap ang misa.
Sa video na binahagi ni Senadora Risa Hontiveros, makikita ang dalawang pulis na kinumpiska ang mga bitbit na placard ng ilang indibiduwal kahit pa may nagaganap na misa.
Mababasa sa kinumpiskang mga placard ang pagtutol sa Anti-Terrorism Law, base sa video tweet ng reporter na si Sandra Aguinaldo.
“Kinausap ko ang pulis pagkatapos ng Misa. Walang rally na naganap. Misa lang. Hindi katanggap-tanggap ang karahasan na ito, lalo na sa gitna ng sakramento. Pati ang mga dasal ng mga tao sa loob ng simbahan, papatahimikin?” ani Hontiveros.
Kinausap ko ang pulis pagkatapos ng Misa. Walang rally na naganap. Misa lang. Hindi katanggap-tanggap ang karahasan na ito, lalo na sa gitna ng sakramento.
Pati ang mga dasal ng mga tao sa loob ng simbahan, papatahimikin? https://t.co/OtduKyudwd https://t.co/Bx9NhsUjmE
— risa hontiveros (@risahontiveros) July 27, 2020
VIDEO: Ilan sa dumalo sa misa sa Quiapo Church ay nagdala ng mga placard kontra Anti-Terror Law. Kinumpiska ito ng mga pulis. @gmanews pic.twitter.com/911mOHLkyf
— sandra aguinaldo (@sandraguinaldo) July 27, 2020