75

Feb 18, 2020 @ 10:10
By

Sa Baguio, 3.6K timbog sa vaping

Mula Hunyo 2019 hanggang Pebrero 2020, nakapagtala ng 3,627 ang inaresto dahil sa paggamit ng vape o electronic cigarette sa Baguio City.

Ayon kay Baguio Mayor Benjamin Magalong, sa mga nahuli, 625 o 17% ang nagbayad ng kanilang multa na nagkakahalaga ng P1,000 bawat isa.

Base report, sa sinumang hindi kayang magbayad ng P1,000, mayroon silang pagpipilian gaya ng walong oras na community service o kaya ay sumali sa blood donation.

Ngayon taon, pumayag ang Baguio’s Smoke-Free Task Force (BSFTF) na blood donation ang pambayad sa mga lumabag dito.

Samantala, mayroong 1,152 gusali na nahuling pinapayagan ang mga vape smoker sa kanilang lugar at 544 lamang dito ang tumupad sa kaparusahan.

Ayon kay Public Order and Safety Division enforcement unit security officer 2 Daryll Longid, sinabihan ang BSFTF na tutukan ang mga hindi tumupad sa nakatakdang penalty.

Bilang tugon, ang nasabing task force ay nagsimulang magpadala ng demand letter na nilagdaan ni Magalong.

“You are expected to comply and pay the said penalty within 5 working days from receipt of letter. Your refusal to pay or comply with the law within the given period will constrain the city to file appropriate cases and exercise all other legal remedies against you,” ani Magalong sa liham.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?