23

Sep 16, 2021 @ 18:58
By

Sa 2022 na ulit: PVL garahe muna

Ipinagpaliban ng Premier Volleyball League (PVL) ang kanilang second conference na nakatakda sanang idaos sa Oktubre.

Ayon kay PVL commissioner Tonyboy Liao, ito ang napagpasyahan ng mga opisyal ng liga maging ng 11 koponan.

“We had a meeting last Friday with all the Club teams representatives and it was unanimously decided that we will just take a break this year so players can rest,” pahayag ni Liao.

Ang PVL calendar ay may dalawang kumperensiya sa isang taon: isa sa Pebrero habang isa sa Oktubre.

Ngunit dahil sa pandemya, naidaos ang Open Conference noong Hulyo at naging matagumpay naman ito.

Dagdag pa ni Liao, ang naturang calendar ay itutuloy nila sa 2022.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?