28

May 25, 2020 @ 13:29
By

Sa 2 linggo: Makati nagbigay-ayuda sa 128K residente

Nakapamahagi na ng P5,000-cash aid ang lokal na gobyerno ng Makati sa 128,000 indibidwal doon, mahirap man o mayaman.

Ibig sabihin, P640 milyon na ang binigay nila sa mga residente via app na GCash, sa loob lang ng 2 linggo.

Kinumpirma rin ni Mayor Abby Binay sa ANC ngayong Lunes na nakatanggap sila ng higit 250,000 aplikasyon para sa “Makatizen Economic Relief Program,” na may pondong P2.7 bilyon.

Nang tanungin kung bakit pati mayayaman ay naisipang bigyan ng ayuda, dinahilan ng alkalde ang pagiging taxpayer ng mga ito. Nagbigay na aniya sila ng relief goods para sa mahihirap na Makatizen.

“The reason is one, when we distributed our relief goods, that was for the needy; we did not include the rich people there. We are including the rich people because they are still taxpayers, they are still residents, they are still voters,” paliwanag ni Binay.

“And COVID-19 has gone beyond whether you’re rich or poor,” aniya pa.

Payo pa ng alkalde, ‘wag mag-panic dahil walang deadline para sa naturang ayuda ng lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?