693

Dec 3, 2021 @ 18:35
By

Ryzza Mae nagpapatayo ng dream house

Under construction na ang dream house ng “Eat Bulaga” host na si Ryzza Mae Dizon.

Sa Instagram, ipinasilip ito ng binansagang “Aling Maliit”.

“Under construction na po ang aming dream house!!! Super special po saamin to kaya nag vlog ako. thank you po Lord sa blessing na ito,” sambit ni Ryzza Mae.

Nakilala si Ryzza Mae nang manalo bilang “Little Miss Philippines” taong 2012.

Mula noon, inulan na siya ng biyaya dahil sa pagiging super talented at bibo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: