88
ryza
By

Ryza muntik mamatay sa shooting sa Palawan

Magkasunod na linggo ang mga playdate ng ‘Ang Dalawang Mrs. Reyes’ at ‘Mr. & Mrs. Cruz’.

Mapapanood sa mga sinehan simula sa January 17 ang pelikula nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban samantalang sa January 24 ang playdate ng ‘Mr. & Mrs. Cruz’, ang follow-up project sa ‘Kita Kita’ ng blockbuster director na si Sigrid Andrea Bernardo.

Kinunan sa Palawan ang mga eksena ng ‘Mr. & Mrs. Cruz’  dahil may kinalaman ang lugar sa kuwento ng pelikula. Hindi naging madali kina Ryza Cenon, JC Santos at Sigrid ang mag-shooting sa secret beach ng Palawan dahil naranasan nila na ma-stranded ng dalawang oras nang tumaas ang tubig.

Buwis-buhay scene ang tawag ni Sigrid sa nangyari sa kanila nang bumuhos ang malakas na ulan.

“Nag-shoot kami sa secret beach, isa sa mga island tour sa Palawan. Thirty feet bago ka makapasok sa maliit na hole sa secret beach.

“Pagpasok sa hole, ito lang (mababaw) ang tubig. Hindi mo mararamdaman kung nagkakagulo na ba sa labas. Baka high tide na, lumalaki ang tubig.

“Habang nagsu-shoot kami, inabutan kami ng ulan. Hindi namin alam ang nangyayari pero paglabas namin, malakas na ang alon.

“Na-stranded kami, I think mga two hours sa gitna ng dagat. Walang ilaw, gabi ‘yon, 7 pm. Ang hirap talaga kasi ‘yung mga equipment namin, pinaano namin lahat.

“Actually, lahat buwis-buhay. ‘Yung time na ‘yon, umulan nang malakas napatawad namin lahat ng mga galit sa amin. Nagpadasal talaga kami,” ang kuwento ni Sigrid tungkol sa isa sa mga highlight ng shooting nila sa Palawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?