480

By

Ryza kinabahan kay Coco

Sharing is caring!

Nag-trending si Ryza Cenon nung araw na pumirma siya ng network contract sa ABS-CBN at sinundan ito ng storycon ng The General’s Daughter. Nag-top 1 pa sa trending si Ryza at sabi nga niya, first time niyang naranasan na mag-trending at makita ang pangalan niya sa trending topic ng Twitter.

Actually, ang daming first na nangyari kay Ryza sa araw na ‘yun. First time rin niyang makapasok ng ABS-CBN building bilang for 14 years, nanatili naman siyang loyal Kapuso.

First time rin niyang makakasama sa isang proyekto ang mga bigating artists tulad nina Janice de Belen, Eula Valdez at Maricel Soriano while with Angel Locsin naman, excited at happy si Ryza na makasama itong muli.

Overwhelming pa rin para kay Ryza ang mga nangyayari sa kanya ngayon. Mula sa nagtapos na matagumpay na Ika-6 Na Utos, ang huling serye niya bilang Kapuso, ang pananalo ng Yakushi Pearl Award or the Most Brilliant Performer Award sa 13th Osaka Film Festival sa pelikula niyang Mr. & Mrs. Cruz. That also, ang first international acting award niya.

Nakikita namin ang social media ni Ryza tulad ng Twitter, ang daming nangba-bash sa aktres at tinatawag itong ingrata, walang utang na loob. Hindi na lang daw nagbabasa ng comments si Ryza. Una sa lahat, ang mga bashers or haters naman daw ay ‘di naman talaga alam kung ano ang totoo.

Naging maayos ang pagpapaalam ni Ryza sa GMA-7 at personal din na nagpaalam sa bosses. Ang Viva management na ang hinayaan niyang magdesisyon.

Sa isang banda, walang dapat ikalungkot si Ryza kung may ilang nangba-bash man sa naging desisyon niya dahil napakarami rin ang nagko-congratulate sa kanya at excited para sa kanya sa bagong network. Sabi nga namin sa kanya, pagkatapos ng ilang taon na down ang pakiramdam niya at dumaan pa sa depression, ngayon naman pinapalasap sa kanya ang magagandang opportunities.

Well nag-first taping day na si Ryza sa Ang Probinsyano. And yes, kinabahan man pero excited siya na makatrabaho for the first time si Coco Martin na ang itatawag nga raw niya ay ‘Direk Coco’ dahil ‘di lang actor ang tingin niya rito, director din talaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?