553

Dec 12, 2017 @ 17:55
By

Ryza Cenon, si Cholo na ang type mapangasawa

Hirap na hirap daw si Ryza Cenon na kumawala sa karakter niya sa ‘Ika-6 Na Utos’ na si Georgia. May mga pagkakataon daw na kapag galing siya sa taping, lalo na kapag galit na galit ang mga eksena o nagsasampalan sila ni Sunshine Dizon, pagdating daw sa bahay, galit na galit pa rin daw siya.

“Nadadamay ng init ng ulo ko ang mga kasambahay ko. Kawawa naman sila. Mabuti na lang, nandiyan si Cholo (Barretto na boyfriend niya) na nagri-remind sa akin na kalimutan ko na si Georgia,” kuwento ni Ryza.

Well, malaki nga ang nagawa ni Cholo sa buhay ni Ryza. At masaya siya na pati ang pamilya ni Cholo ay tanggap siya, at nakakasama niya.

Pero, wala pa raw sa plano nila ang magpakasal. Masyado pa raw ‘mura’ ang relasyon nila para magpakasal.

“Nag-e-enjoy lang kami ngayon. Basta happy kami. Pero siyempre, kaya nga nasa relasyon kami ngayon, kasi seryoso kami. So, ang gusto ko, siya na rin ang mapangasawa ko,” sabi pa ni Ryza. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?