117

By

Ryza Cenon at Pocholo Barretto, naghalikan sa ilalim ng dagat

Sharing is caring!

Kahit sa ilalim ng dagat ay hindi mapapalampas ng magkasintahang sina Ryza Cenon at Pocholo Barretto para i-express ang malaking pag-ibig nila sa isa’t isa sa mga followings nila sa social media.

Isang nakakalokang photo ang pinoste ni Ryza sa kanyang Instagram account na nagpapakita ng lambingan nilang dalawa ni Pocholo kahit sa ilalim ng tubig.

Walang imposible sa kanilang dalawa basta makunan lang ng photo ang kanilang sweetness kahit pa nga tanggalin nila ang kanilang oxygen helmet.
@iamryzacenon, “My oxygen,” ang caption ni Ryza sa photo nilang dalawa ng boyfriend sa ilalim ng tubig.

Makikita sa larawan na nag-kiss sina Ryza at Pocholo underwater habang nakataas ang hawak-hawak nilang oxygen helmet.

Nasa harap nila ang mga corals at sa likod naman ay ang mga isda na parang nanonood sa ginagawa nilang lambingan.

Sumakto ang cheesy-expression of love sa isa’t isa nina Ryza at Pocholo dahil ang linaw ng tubig sa kulay nitong blue.

Well, hindi naman bago kina Ryza at Pocholo ang pagiging sweet dahil madalas naman silang magpakita ng kanilang lambingan sa social media.

Pero kakaiba ang latest photo nila sa ilalim ng tubig dahil kahit ipagbuwis-buhay pa nila ang sitwasyon, wala silang paki ma-capture lang ang sweetness nila sa isa’t isa noh! (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?