70

By

Ryza Cenon naglasing sa shooting

Sobrang napaarte ni Direk Sigrid Andrea Bernardo si Ryza Cenon sa pelikulang Mr. & Mrs. Cruz. Pati na rin ang ka-love team nitong si JC Santos na no doubt ay magaling na actor ay mas lalo pang nahasa sa kanyang mga eksena rito.

Papalapakan niyo si Ryza sa ‘lasing scene’ nila ni JC na bonggang-bongga sa pag-deliver ng kanyang kilometric dialogue na para siya talagang totoong lasing.

Pagkatapos nga ng red carpet premiere night ay marami ang nag-usyuso sa kanya kung totoo ngang tumongga sila ni JC while doing the scene dahil natural na natural ang akting nilang dalawa.

Aba, kung labis na pinuri raw si Judy Ann Santos sa kanyang hospital bed scene under the influence of anesthesia, naku, may katapat na siya at ito nga ay si Ryza sa kanyang eksena na under the influence of alcohol naman.

Marami ang na-impress sa directorial job na ito ni Direk Sigrid na parang take-off ng kanyang all-time hit na Kita Kita.

Nakapa-refreshing lang tingnan ang screen partnership na ito nina Ryza at JC lalo na nga’t maraming nagkukuwestiyon noon kung anong chemistry meron ang dalawa.

Well, you’ve got to see it to believe it. Yey!

Hindi man ito maging kasinlakas ng phenomenal box-office success ng Kita Kita, pero sana ay marami rin ang pumila dahil very relatable naman siya na parang ang kuwento nila ay kuwento rin ng buhay natin. (Glen Regondola)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?