13

By

Ryza Cenon ‘inggitera’ kay Jodi Sta. Maria; hairstyle, kilos kinopya

Sharing is caring!

Bet na bet pala talaga ni Ryza Cenon ang takbo ng career ni Jodi Sta. Maria dahil inspirasyon daw ito sa katulad niyang late bloomer pagdating sa kanyang movie career.

Para nga kay Ryza, nakapalaking moral booster sa katulad niya ang nangyari sa movie career ni Jodi na kung kelan ito nagkakaedad na ay saka naman bumongga ito.

Kaya, hindi nga raw siya nawawalan ng pag-asa, dahil who knows, baka bumongga rin ang kanyang movie career this time.

Sa edad niyang 30, ayon kay Ryza ay ngayon lang siya naging lead sa isang mainstream movie care of Mr. & Mrs. Cruz ng Viva Films at IdeaFirst Company.

Naging lead na rin siya noong sa pelikulang Manananggal pero ito ay isang indie movie.

Kaya peg niya talaga si Jodi, huh! Mukhang pati hairdo ay Jodi na Jodi rin ang dating niya, devah? At kahit ang pananalita, ha!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?