24
views

By

Ryan ginamit si Pacquiao para sumikat sa Korea

Sharing is caring!

Dahil naikuwento na sa amin ni Ryan Bang last year na may offer na sa kanya ang Korea na variety show and in fact, he was really considering it, naikuwento rin niya na isa siya sa magiging torchbearer sa nakaraang Pyeongchang Winter Olympics, though, parang hindi yata natuloy yung huli.

So nu’ng kinamusta nga namin si Ryan sa presscon ng Da One That Ghosts Away, sinabi niyang hindi raw niya tinanggap yung offer dahil sa It’s Showtime. Mahal daw niya yung It’s Showtime at malaki talaga ang utang na loob niya rito.

At kung tinanggap daw niya ang regular show sa Korea, wala siya sa movie ng Star Cinema na DOTGA at hindi siya magiging leading man ni Kim Chiu.

Pero naaliw kami kay Ryan nang buong ningning niyang sabihin na, “Pero kilala na ko sa Korea, kilalang-kilala,” huh!

Ang naging daan daw talaga ay nang samahan niya si Manny Pacquiao na mag-guest sa Infinite Challenge at siya ang maging translator nito. Yun nga lang, nag-finale episode na ang naturang variety show ng MBC. Pero yung mga guesting sa Korea raw ay okey siya.

“Tinatanggap ko na ang guesting kasi naiisip ko, yun ang paraan din para mai-promote ko ang Philippines sa Korea. Natutuwa rin si idol Robin (Padilla) sa akin, sa mga ginawa kong guesting sa Korea, natutuwa siya sa akin.”

Diretsahan naming tinanong si Ryan kung ano ang mas matimbang sa kanya pagiging Koreano o pagiging Pinoy, mabilis niyang sagot na, “Ay siyempre naman, walang Ryan Bang kung walang Philippines. Kung walang madlang people. Mahal na mahal ko ang Philippines. Forever buhay ko ang Philippines.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?