16

Jan 25, 2021 @ 14:34

Ryan Garcia susuntukin si Manny Pacquiao

Sinabi ni WBC interim lightweight champion Ryan Garcia na kahaharapin niya si Manny Pacquiao para sa susunod niyang laban.

Inanusyo ito ni Garcia sa kanyang Instagram post.

“A dream turned reality! It’s an honor to share the ring with Manny Pacquiao I will always respect what you did in and out the ring. Here’s to the best man winning,” saad ng 22-anyos na boxer sa caption ng naturang post.

Taong 2019 nang huling tumapak si PacMan sa boxing ring para patumbahin si Keith Thurman ng Amerika.

Kasalukuyan namang wala pang kumpirmasyon mula sa kampo ni Pacquiao kung totoo ba ang bakbakang ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?