30

Mar 5, 2021 @ 20:33

Ryan Garcia ‘di na susuntokin si Pacquiao

Sinabi ni American boxer Ryan Garcia na hindi muna matutuloy ang laban nila ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

“To all my fans and supporters my fight with Manny Pacquiao is not happening right now,” saad niya sa kanyang Instagram story nitong Martes.

“I tried my best after getting the call to fight him but didn’t happen due to some issues I didn’t expect to come up but I’m already working on the next fight,” pagpapatuloy niya.

Magugunitang noong Enero nang ianunsyo ng 22-anyos na WBC interim lightweight champion na kahaharapin niya si ‘PacMan’ sa boxing ring na siga ring itinaggi ng kampo ng Senador.

“As far as I know, walang Ryan Garcia na kausap ang Paradigm Sports Management, as of now ‘yan ha,” wika ng special assistant ng Senador na si Jayke Joson sa panayam ng GMA News.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/kampo-ni-manny-tinanggi-bakbakang-garcia-pacquiao/

Ryan Garcia susuntukin si Manny Pacquiao

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?