173

Ryan Bang tinawag na ‘daddy’ si Abueva, Vice Ganda nag-react!

Sharing is caring!

Mukhang hindi nagustuhan ng komedyanteng si Vice Ganda ang naging biro ng kanyang anak-anakan na si Ryan Bang sa ‘It’s Showtime’.

Sa noontime show, tinawag ng Koreano na ‘daddy’ ang Phoenix star na si Calvin Abueva, na parang may pinapatamaan dahil ang tawag niya kay Vice ay ‘mommy’.

Kaya naman biglang nasabihan ng baliw ni Vice si Ryan dahil sa naging joke nito.

“Hoy baliw, siraulo ka. Ang pangit ng chika mo,” pakli ng komedyante.

Matatandaan na nanood muli ng game ng Phoenix ang ‘Unkabogable’ star na naging dahilan ng isyu sa kanilang dalawa ng player.

Nagpaliwanag naman na noong nakaraan si Abueva na sinabing magkaibigan lang sila ng komedyante, at ninong si Vice ng kanyang anak na si Deandre Calvin. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?