79

Nov 19, 2021 @ 22:04
By

Ryan Bang bugbog sarado pagdating sa ‘Pinas

Pangit ang naging karanasan ng comedian-TV host na si Ryan Bang sa unang pananatili niya sa Pilipinas, 16 taon na ang nakalipas.

Binugbog daw kasi si Bang ng dati niyang guardian.

Sinabi niya ito sa vlog ng talent manager na si Ogie Diaz.

Tumira raw si Bang sa lalaking best friend ng kanyang ina nang una siyang dumating sa bansa noong October 2005 kasama ang mga kapwa Korean niya kung saan nagkaroon siya ng malapit na kaibigan na tinatawag niyang “ate”.

Nagkaroon daw ng relasyon ang kanyang “ate” at kanyang guardian at kasama siyang lumipat ng bahay ng mga ito.

Naniniwala si Bang na ang pagiging malapit nila ng kanyang “ate” kaya nagselos ang kanyang guardian at binugbog siya habang may sakit na dengue.

Dahil dito, nagdesisyon siyang umuwi sa Korea at galit na galit daw siya sa Pilipinas.

Kalaunan ay bumalik siya ng Pilipinas matapos siyang sabihan ng kanyang ina na kailangan niyang magtrabaho sa Korea.

Tumira raw siya sa iba’t ibang kaibigan niya at patuloy na nag-aral sa isang international school sa Pilipinas hanggang isang kaibigan ang nagtanong sa kanya kung gusto niyang mag-audition sa “Pinoy Big Brother”.

Kabilang si Bang sa “PBB: Teen Clash of 2010” kasama si James Reid.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?