2,869
Ruta ng Traslacion 2020, posibleng baguhin – Mayor Isko
Nov 23, 2019 @ 15:07
By

Ruta ng Traslacion 2020, posibleng baguhin – Mayor Isko

Inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno na maaaring mabago ang ruta ng taunang Traslacion ng Itim na Nazareno sa susunod na taon.

Ayon sa alkalde, posible raw na baguhin ang procession route na isinasagawa tuwing Enero para maiwasang dumaan ang milyon-milyong deboto sa newly rehabilitated na Jones Bridge.

“I think there will be some rerouting. May paghahanda namang ginagawa ang pamahalaang lungsod, simbahan ng Nazareno at mga ahensya ng national government,” ani Moreno sa ABS-CBN report.

Kabilang ang Jones Bridge sa madalas imonitor sa Traslacion dahil nagiging crowded dito kapag dumadaan ang andas ng Black Nazarene mula Lawton patungong Binondo.

Habang tumatawid sa makasaysayang tulay ang andas, may naka-standby nang mga bangka ang Philippine Coast Guard para i-rescue ang sinumang mahuhulog sa Pasig River.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?