480

Jan 2, 2018 @ 13:31
By

Ruta ng prusisyon ng Black Nazarene, inilabas na

Sa dating ruta pa rin idaraan ang prusisyon ng Black Nazarene sa sandaling ilakad na ito mula sa Quirino Grandstand sa Enero 9, 2018.

Ayon kay Manila Police District spokesman, Supt. Erwin Margarejo, mula sa Quirino Grandstand, uusad ang prusisyon sa Katigbak Drive, diretso sa Padre Burgos hanggang sa Jones Bridge, kanan sa Dasmarinas Street, kanan sa Plaza Sta. Cruz, kaliwa sa Palanca at diretso sa ilalim ng Quezon Bridge.

Mula sa Quezon Bridge, kakaliwa ang prusisyon sa Quezon Blvd, kakanan sa Arlegui, kanan sa Fraternal, kanan sa Vergara, Duque de Alba, kakaliwa sa Castillejos, kaliwa sa Farnecio, kakanan sa Arlegui, kakaliwa sa Nepomuceno, kaliwa sa Aguila at kanan sa Carcer.

Mula sa Carcer, kakanan naman ang ruta sa Hidalgo diretso sa Plaza del Carmen, kaliwa sa Bilibid Viejo saka didiretso sa Gonzalo Puyat, kaliwa sa Guzman, kanan sa Hidalgo, kaliwa sa Bautista, kanan sa Globo de Oro diretso sa Quezon Bridge, kanan sa Palanca, kanan sa Villalobos at diretso sa Plaza Miranda hanggang makabalik ang andas ng Poong Itim na Nazareno sa loob ng Simbahan ng Quiapo.

Ayon kay Margarejo, ang mga nasabing kalye ay sinimulan na ring suriin ng Department of Public Works and Highways upang matiyak na walang bukas na manhole o mga lubak na maaaring makadisgrasya sa mga lalahok na deboto.

Taon-taon ay nagkakaroon ng increase o dagdag na 15 hanggang 20 percent ang devotees na nakikilahok sa prusisyon ng Black Nazarene kaya inaasahan nila ang 17 milyon hanggang 20 milyon ang makikilahok sa Traslacion 2018. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?