110

Oct 22, 2017 @ 16:54

Russian President Putin ‘nega’ sa ASEAN Summit

Hindi makakadalo makakadalo si Russian President Vladimir Putin sa ASEAN Summit sa Angeles, Pampanga sa susunod na buwan.

Ito ang inanunsiyo kahapon ni Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev at aniya maaring si Russian Prime Minister Dmitry Medvedev na lamang ang dadalo sa ASEAN’s East Asia Summit.

Ngunit aniya maaring dumalo si Putin sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Vietnam mula Nobyembre 11 hanggang 13.

“Don’t be disappointed please, please. Our Prime Minister, Mr. Medvedev, he’s number 2 in Russia,” ani Khovaev sabay dagdag, “The East Asia Summits, they are usually attended by our Prime Minister; our President usually attends the APEC summits. It’s a distribution of powers, of their responsibilities.”

Inaasahan na makikipagpulong si Medvedev sa mga opisyal ng Pilipinas para pag-usapan ang mga isyu sa negosyo, investment at peace and security.

Noong nakaraang Mayo, binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte si Putin sa Moscow ngunit hindi nagtagal ang kanilang pag-uusap dahil sinabayan ito ng pagkubkob ng Maute terror-group sa Marawi City. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?