tamara
By

Russian official nagpayo, ingat lang sa tsuktsakan

Sharing is caring!

Pinaalalahanan ng isang babaeng mambabatas ng Russia ang mga kababaihan sa kanilang bansa na mag-isip bago makipag-sex sa mga foreign visitor sa kasagsagan ng 2018 World Cup sa Moscow.

Sa isang radio interview nitong Miyerkoles, sinabi ni Tamara Pletnyova na kailangan mag-isip at mag-ingat ang mga Russian women sa pakikipag-sex dahil baka mabuntis ng foreign visitors, tulad ng nangyari noong 1980 Moscow Olympics.

“There will be girls who meet men, and then they will give birth,” ani Pletnyova via translation. “Maybe they will get married, maybe they won’t. But the kids will suffer, just like they suffered (after Moscow Olympics).”

Pero hindi pa doon natapos ang mambabatas.

Kung hindi raw maiiwasan na makipag-sex sa foreigner, siguruhin na white ang partner.

“If it’s another race, then it’s even worse,” dagdag ni Pletnyova. “We should give birth to our own children. I’m not a nationalist, but nonetheless.”

Umpisa June 14, tatagal hanggang July 15 ang World Cup sa Russia.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naghalo ang racism at soccer sa Russia.

Noong May, hinarana ng racist monkey chants ang French players na lumaro sa pre-World Cup friendly. Resulta, pinagmulta ng FIFA ang Russian Football Union ng $30,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?