203

Aug 4, 2018 @ 20:28
By

Russian helicopter bumagsak sa Siberia: 18 patay

Isang Russian helicopter ang nag-crash, ilang minuto lang matapos lumipad sa Krasnoyarsk region, Siberia nitong Sabado.

Ayon sa Russian Transport Ministry, 18 katao ang nasawi nang bumangga ang Mi-8 helicopter, na may sakay ng tatlong crew at 15 pasahero, sa isang machinery na lulan ng isa pang helicopter matapos mag-takeoff.

Maayos naman umanong nakapag-landing ang ikalawang helicopter.

Patungo sana ang mga sakay ng bumagsak na chopper sa kanilang pinagtatrabahuhang oil-pumping station dakong alas-10:00 ng umaga. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?