135

Oct 5, 2019 @ 13:31
By

Russia trip matagumpay – Duterte

Tagumpay ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia.

Ito ang maiksing pahayag ng Presidente sa bagong talagang deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Mocha Uson sa dinaluhang cocktail party sa Moscow.

Sinabi ng Pangulo na maganda ang resulta ng mga dinaluhan nitong pulong sa Moscow at sa Sochi.

“Im glad to tell you that our visit here is quite successful,” ang maiksing pahayag ng Pangulo.

Matatandaang naging mahigpit ang schedule ni Pangulong Duterte dahil sa kabi-kabilang pulong sa grupo ng mga negosyante at bilateral meetings nito kina Russian President Vladimir Putin at Prime Minister Dmitry Medvedev.

Magiging huling aktibidad ng Presidente bago bumalik ng Pilipinas ay ang pakikipagkita sa Filipino community kung saan inaabangan na ito ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Russia. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?