160

Jul 8, 2018 @ 22:51
By

Russia tinapos ng Croatia, 4-3

Tinapos ng Croatia ang nakakabilib na run ng Russia sa World Cup sa pamamagitan ng 4-3 penalty shootout win sa quarterfinals nitong Sabado sa Sochi.

Ibinaon ni Ivan Rakitic ang deciding penalty pagkatapos ng 2-2 draw.

Hindi nakumpleto ng hosts, sa No. 70 ay lowest ranked nation sa torneo, ang misyon na makapasok sa World Cup semifinals sa unang pagkakataon sapul noong 1966 tournament sa England nang tumapos na fourth ang dating Soviet Union.

Sa kabilang banda, hindi pa nakakarating sa final four ng World Cup ang Croats sapul noong 1998 na una rin nilang appearance sa torneo.

Sunod na haharapin ng Croatia ang England sa semifinals sa Miyerkoles sa Moscow. Binokya ng England ang Sweden 2-0.
Pinahalik sa net ni Russia defender Mario Fernandez ang equalizer sa extra time, pero malayo sa target ang kanyang penalty kick sa shootout.

Umiskor din sa extra time si Domagoj Vida para sa Croatia nang pumasok ang header sa 101st minute.
Binasag ng Russia ang scoring sa 31st nang makawala si Denis Cheryshev, pero bago ang halftime ay tumabla ang Croatia sa header ni Andrej Kramaric. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?