111

Oct 26, 2017 @ 10:39

Russia nag-donate ng 5,000 baril, 20 military trucks sa AFP

Limang libong units ng AK 47M kalashnikov rifles at isang milyong piraso ng ammunition ang ibinigay ng Russia sa Armed Forces of the Philippines.

Sa ulat ni AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgardo Arevalo isinagawa ang turn-over ceremony sa Russian Anti-Submarine Ship Admiral Pantaleyev sa Pier 15 Manila kahapon.

Mismong dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte, Defense Sec Delfin Lorenzana, outgoing AFP Chief of staff General Eduardo Año, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev at Russian Defense Minister Sergey Shoygu

Maliban sa mga baril at bala, nag-donate din ng 20 multi-purpose vehicles  at limang libong steel helmets ang Russia. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?