42

Feb 21, 2020 @ 14:20
By

Russia kumikilos na para sa reelection ni Trump

Nagbabala ang isang top election security official sa mga mambabatas sa Amerika tungkol sa umano’y unti-unting pagkilos ng Russia kung saan target na panalunin muli si President Donald Trump.

Ayon sa source ng CNN, sa isinagawang briefing ng top election security official sa mga mambabatas noong nakaraang linggo, nagbabala siya tungkol sa isyu.

Ani election security official Shelby Pierson, kabilang sa plano ng Russia ang hacking, paggamit sa social media at pag-atake sa election infrastructure para manalo si Trump sa 2020 elections.

Hindi lang umano ang pananalo ni Trump ang target ng Russia kundi para bahiran ang integridad ng isasagawang eleksyon.

Magugunitang nabunyag din ang ginawa umanong pakikialam sa US 2016 elections ng Russia kung saan kuwestiyonable ang pagkatalo ni Hillary Clinton.

Nauwi ito sa imbestigasyon na pinangunahan ni special counsel Robert Mueller.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?