352

Jul 1, 2019 @ 14:01
By ,

Russell pinamigay ng Nets; Iguodala goodbye GSW na

Nagkasundo ang Golden State Warriors at ang Brooklyn Nets sa isang sign-and-trade deal na magdadala kay point guard D’Angelo Russell sa Warriors habang itatapon naman ng GS si Andre Iguodala sa Memphis Grizzlies, ayon sa sources ng ESPN.

Makakatanggap ng four-year, $117 million maximum contract si Russell.

Hindi na magkakasya ang 23-anyos na si Russell sa Nets matapos masungkit ng tropa si Kyrie Irving, na ayon pa sa sources ay pipirma ng $141 million four-year deal sa Nets nitong Linggo (Lunes sa Pilipinas).

Bukod sa pagtapon kay Iguodala, ibibigay din ng Warriors sa Grizzlies ang first round pick sa susunod na NBA draft.

Naging malaking bahagi ng Nets si Russell, na tumayong leader nito at nagpakita kung paano ang tamang pagpapalakas ng laro at ang professional approach.

Nais manatili ni Russell sa Brooklyn pero matapos matanggal sa unang round pa lang ng playoffs ng Philadelphia 76ers, alam na niya ang pwedeng mangyari off-season.

“I definitely want to be here,” sabi nito sa mga reporter kamakailan. “But I also know it’s a business, too. So I’m not going to play that role like I don’t know what could possibly happen.”

Sa apat na season rumehistro ito ng 16.5 points per game, 5.1 rebounds habang may 41.9 percent ito mula sa fields at 35.3 percent mula sa three-point range.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?