32

Feb 11, 2020 @ 14:05
By

Russell mura ang sinalubong sa Timberwolves

Mura ang isinalubong ni D’Angelo Russell sa Minnesota fans sa kanyang introduction sa team nitong Sabado.

Bago hinarap ng Timberwolves ang dumayong Los Angeles Clippers, pinakilala muna ang new arrival na si Russell.

Naka-itim na panloob na pinatungan ng gray sports coat, pumagitna sa court si Russell at nagsalita.

“Keep this s*** going,” aniya na ikinaugong ng Target Center sa Minneapolis.

Sa trade deadline noong Feb. 6, pinamigay ng Golden State Warriors si Russell sa Timberwolves kapalit ni Andrew Wiggins, 2021 first-round pick (top three unprotected) at 2022 second-rounder.

Natuwa si Russell sa paglipat sa Minnesota, makakasama na ang kaibigang si Karl-Anthony Towns.

Hindi pa naglaro si Russell, pinanood nang kubabawan ng bagong team si Kawhi Leonard at Clippers 142-115.

Nag-debut si Malik Beasley sa Minnesota sa tono ng first career double-double niyang 23 points at 10 rebounds, kinapos ng isang assist si Towns para kumpletuhin ang triple-double sa 22 points at 13 rebounds. Nagdagdag pa si Jordan McLaughlin ng career-highs 24 points at 11 assists para sa new-look Wolves.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?