By

Russell Crowe pinagkakitaan ang diborsyo kay Danielle Spencer

Sharing is caring!

Pinagkakitaan ng aktor na si Russell Crowe ang kanyang divorce mula sa misis na si Danielle Spencer. Pina-auction ng Oscar winner ang ilan sa kanyang mga memorabilia, antiques, arts and jewelries. Tinawag niya itong ‘Art of Divorce’.

Noong maghiwalay sina Russell at Danielle noong 2012, kasama sa divorce ang ipa-auction ng aktor ang ilang mga personal items nilang mag-asawa.

“We’ve been separated over five years now, our divorce should be finalized around the time of the auction. Just as we collaborate on the upbringing of our kids, it’s easy for us to work together on something like this. I think she feels the same way I do in regards to just moving on things that help create space for the future,” sey ni Russell.

Mahigit 227 items ang pina-auction ng aktor mula jewelry and watches to cars, motorcycles, guitars, cricket memorabilia and tons of items from some of his most famous films. Tulad na lang ng armor and weapons na ginamit niya sa pelikulang Gladiator, which sold for about $300,000 combined.

Nabenta rin ang dalawang life-sized horse props for $6,710 each at ang fully functioning Roman chariot na nabenta for $79,300. May dinosaur skull din siya na nabenta for $79,300.

Kasama rin ang outfits ni Russell mula sa pelikula niyang Master and Commander, and 3:10 to Yuma at kasama rin ang brown, leather jockstrap na sinuot niya sa pelikulang Cinderella Man at nabenta ito for a whopping $8,540!

Bawat item na mabeta ay may kasamang letter of authenticity from Russell Crowe bilang katibayan na siya ang may-ari ng auctioned item mula sa Sotherby’s Auction.

Sa kabuuan, kinita ng aktor sa auction ay $3,731,553.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?