29
Russell bumakas ng 27 pts sa 4th, career-high inilista
Mar 20, 2019 @ 17:34
By

Russell bumakas ng 27 pts sa 4th, career-high inilista

Walang nakapigil kay D’Angelo Russell sa naging laban ng Brooklyn Nets at Sacramento Kings para maitakas ang 123-121 win, Lunes ng umaga, oras sa Pilipinas.

Sa nasabing laro, 28 points ang kinailangang habulin ng Nets sa second half, sakto naman ang pag-iinit ni Russell na umiskor ng 27 points sa fourth quarter lamang.

17 points lang ang ipinitik ni Russell sa first half, biglang nabuhayan sa fourth na 10-15 sa field, kasama ang apat na tres para sa kabuuang career-high na 44 markers.

Isa pa sa naging bida para sa Brooklyn ay si Rondae Hollis-Jefferson, ibinigay ang pampanalong layup kontra kay Marvin Bagley III, 5.5 segundo ang nalalabi sa alban.

Pinatid ng Nets ang tatlong sunod na kabiguan para mapatibay ang posisyon sa playoffs tangan ang seventh spot.

Para sa Sacramento, gumawa ng 27 points si De’Aaron Fox, buhos naman si Bagley ng 29 markers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?