440

Jun 26, 2022 @ 19:48
By

Ruru pinahanting sa NBI mga nambastos kay Bianca: ‘Pikon na pikon ako’

Hindi nakapagtimpi at pinahanap ni Ruru Madrid sa kakilala niyang taga-National Bureau of Investigation (NBI) ang mga basher ng girlfriend niyang si Bianca Umali.

Ani Ruru, napikon na siya sa mga bastos na sinasabi patungkol kay Bianca na nangyari noong July 2020.

“‘Yung issue na in-edit ‘yung photo ni Bianca na sobrang payat siya, tapos kung anu-ano sinasabi ng mga tao… Sorry for the ano, like, ang pangit-pangit talaga ng sinasabi ng mga tao. ‘Inaraw-araw’ daw,” kuwento ni Ruru sa PEP.ph report.

“Sobrang sama talaga, as in pikon na pikon ako dun sa nag-comment na ‘yun. Pikon na pikon ako eh. Umabot sa point na sa sobrang sama ng mga sinasabi nila, meron akong tito na taga-NBI na na-trace niya kung sino ‘yung mga nagsasabi nun,” patuloy pa niya.

Pero kahit puwedeng-puwede raw niyang idemanda ang mga basher ni Bianca na nakilala ng NBI ay mas pinili niya raw na intindihin na lamang ang mga ito.

“Mas pinili ko na hindi kasi for sure kaya nila nasabi ‘yun baka nakisakay lang sila sa comment, or wala lang sila magawa lalo na pandemya nung mga panahon na ‘yun,” saad ng aktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?