96

Dec 13, 2017 @ 17:08
By

Ruru nakipagkulitan sa fans

Para sa kanyang birthday celebration, inimbitahan ni Ruru Madrid ang kanyang fans sa isang salo-salo sa The Cave sa Tomas Morato.

Dito, sinamahan niya ang fans na maglaro at makipagkulitan at meron pang isang masuwerteng fan na hinarana ni Ruru!

Close si Ruru sa mga ito at kada taon ay hindi niya nakakalimutang magpasalamat sa walang tigil nilang suporta.

Kaya naman patuloy ang blessings niya dahil lagi siyang nakakaalala sa mga supporters niya.

Kagaya ng pagbibidahan niyang serye na Sherlock Jr., kung saan kaabang-abang ang magiging karakter at kuwento nito.

Abangan ‘yan sa 2018! (Joe Barrameda)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?