100

Ruru Madrid ‘shut up na lang’ sa pag-aaway umano vs. Bianca Umali

Kung si Ruru Madrid ang tatanungin, walang nangyaring pag-aaway at muntikang pagsagasa sa isang mall sa Mandaluyong City.

“Para sa akin wala talagang nangyari at all,” tugon ni Ruru sa midya noong Thanksgiving Party ng GMA.

“Well, siguro sa akin ‘wag na lang mag-comment. Kasi bakit pa ako magko-comment, e, wala namang nangyari talagang ganun. So, yun na lang. Kung baga shut up na lang ako,” dagdag pa niya.

Lumabas kasi ang mga balita na muntik nang masagasaan ni Bianca ang rumored partner na si Ruru dahil sa selos sa ka-partner nito sa pelikulang Cara X Jagger na si Jasmine Curtis-Smith.

Pinayuhan niya rin ang publiko na dedmahin na lang ang insidente na, ayon sa maraming saksi, ay nangyari matapos ang premiere night ng pelikula, Nobyembre 5.

“Para sa akin, I think it’s better na ‘wag na lang nating pansinin at siguro kung may nangyari mang ganun dapat siguro mas pina-private o mas tinatago na lang,” hayag ng aktor.

“Nakakalungkot kasi bakit may lumalabas pa na mga ganung bagay. Para sa akin kasi, firstly, may mga taong maapektuhan at may mga magmumukhang masama. Pero wala naman talagang nangyaring ganun. So, it’s better na ‘wag na lang pong pag-usapan,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?