81

Jan 25, 2021 @ 18:23
By

Ruru Madrid miss na si Bianca Umali

Ipinalandakan sa buong mundo ni Kapuso actor Ruru Madrid ang kanyang pagka-miss kay Bianca Umali.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Madrid ang isang litrato at video niya kasama ang aktres.


“Miss you
Each day
Everyday
All the time,” saad niya sa caption ng post.

Tumugon naman ang aktres dito ng rosas na emoji.

Wala namang kumpirmasyon mula sa dalawa kung opisyal ba silang nasa relasyon.

Marso ng nakaraang taon mapabalitang may namamagitan sa dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?