2,351

Dec 12, 2017 @ 12:13
By

Ruru Madrid mahilig makipag-landian sa mga girls

Nagpaliwanag si Ruru Madrid sa ilang mga pagkakataong naglalandi siya sa ibang babae dahilan para mag-react nang bonggang-bongga ang fan clubs ng team-up nila ni Gabbi Garcia.

Na-link si Ruru sa taong ito ng Asia’s Next Top Model winner na si Maureen Wroblewitz na inamin naman niyang crush nya.

Namataan rin namin ang Kapuso hunk sa birthday party ng isang scriptwriter ng GMA 7 na may karay-karay siyang magandang babae at sigurado kaming hindi si Gabbi yun.

Dahil dito nagduda tuloy ang mga fans nila ni Gabbi sa sincerity ni Ruru sa ka-team up, at parang nalusaw ang ilusyon ng mga itong mauuwi sa totohanan ang love team ng kanilang mga idolo.

Wala raw nakikitang masama si Ruru na magkaroon siya nang crush gaya nga ng feelings niya kay Maureen. Inamin naman nya ang tungkol dito sa social media dahil ayaw niyang mag-lihim sa kanyang mga fans.

Wala rin raw masama kung makipag-date sa iba si Ruru gaya na lamang nong karay-karay niya sa party ng isang scriptwriter. Beauty-queen raw ito na matagal na nyang kaibigan.

Sorry sa mga nangangarap na magkakatuluyan sina Ruru at Gabbi dahil iginiit nang aktor na wala pa talaga siyang balak magkaroon ng kasintahan.

Gusto raw ni Ruru na tuparin muna ang mga pangarap niya sa parents nya, ang mabigyan ito ng bahay at magandang kinabukusan.

Tutuparin raw nito ang pangarap ng mga ito sa kanya.

Maganda naman pala ang layunin ni Ruru para sa pamilya at hindi lang para sa kanya.

Sey pa nya, bata pa siya para pumasok sa isang romantic commitment. Kung pipilitin raw ito baka mauwi rin lang sa hiwalayan.

Anyways, hangga’t maganda ang working-team up nila ni Gabbi walang magiging problema, gaya na lamang sa MMFF2017 movie entry ng M-Zet Productions at Octo Arts Films, ang “Meant To Beh” na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Dawn Zulueta kasama sina Gabbi, JC Santos, Baste, Thou Reyes, Andrea Torres, Daniel Matsunaga at iba pa, sa direksyon ni Chris Martinez.

Ipalalabasa ang nasabing family-oriented comedy movie sa Dec. 25, mismong araw ng Pasko. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?