13

Jan 1, 2021 @ 21:10
By

Ruru Madrid magiging businessman na

Balak simulan ni Kapuso actor Ruru Madrid ang kanyang shoe business ngayong taon.

Nais ng aktor bumawi ngayong taon dahil hindi aniya naging maganda ang 2020.

“Ang lagi kong sinasabi na ang wish ko lang talaga is maging better lang ang lahat, maayos lang lahat. Kasi alam naman nating lahat na itong 2020 ay hindi naging maganda para sa atin,” ani Madrid sa isang panayam.

Dagdag pa ng aktor, gusto niya nang simulan ang matagal niya nang pinaplano.

“‘[Y]ung mga matagal ko nang pinaplano before, kailangan this year magawa ko na. Magtatayo ako ng business ng sapatos, itutuloy ko na ‘yan,” saad niya.

“Lagi kong sinasabi na every year dapat ma-reach ko ‘yung goal ko na katawan. Dapat next year maging mas healthy ako, ganiyan. Uulitin ko lang ulit ‘yon. Kasi kahit paano, kahit hindi ko naman naa-achieve totally ‘yung gusto ko, kahit paano may nangyayari naman, so ganu’n na lang din,” dagdag pa niya.

Bibida si Madrid sa isang series ng Kapuso at pinangakong pagbubutihin ang kaniyang gagampanan dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: