560

Oct 20, 2017 @ 12:39

Ruru Madrid, inirampa ang bagong ‘date’

Naniniwala kaming hanggang telebisyon o showbiz lang ang sinasabing closeness nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.

Ang basehan namin ay ang nakaraang birthday show ng comedy concert director at owner ng The Library na si Mamu Andrew De Real na ginanap noong Miyerkules sa Polari Music Hub, Tomas Morato, QC kung saan kami nagsu-show every Saturday.

Dumating sa kalagitnaan ng show si Ruru na hindi si Gabbi ang kasama kundi isang maganda at mestisahing babae.

Hawak-hawak pa ni Ruru ang girl papasok sa loob ng music bar at hanggang sa makaupo sila sa may gilid ay hindi binitiwan ng aktor ang kamay ng kasama.

Kahit pa nga nang bumati at makipagbeso-beso sa mga staff ng Sunday Pinasaya (musical variety show ng GMA 7) ay hindi iniwan ni Ruru ang ka-date.

Hindi naman nailang o nag-atubili si Ruru na batiin kami nang makita niya kami habang nakatingin kami sa kanya at sa kasama niya.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakita namin si Ruru sa isang event na may kasamang girl.

Sa nakaraang birthday party ni direk Maryo J. De Los Reyes, walang karay-karay na ‘date’ si Ruru maliban sa kanyang ama.

Hindi siguro akalain ng aktor na may dumalong showbiz scribe sa show at makikita na may ka-date siyang girl.

Mukhang hindi taga-showbiz ang babae dahil hindi siya kilala ng maraming naroon. Ni hindi rin siya bumati sa mga staff ng Kapuso network at hindi siya ngumiti sa mga taong bine-beso ng aktor.

Hindi kami pamilyar sa naging leading lady ng hunk actor na si Arra San Agustin sa “Encantadia”. Pero kung artista ito malamang may jolly o showbiz reaction na ito sa mga taong nakikita niya sa paligid.

Palinga-linga lang ang girl na cool din naman sa crowd pero naroon lang ito sa isang table kasama ng ibang staff ng GMA 7.
Kung nililigawan o ‘di kaya’y may silent romantic relationship si Ruru kay Gabbi, hindi ito magdi-display ng ibang babae sa maraming tao.
Kilala namin ang latest Asia’s Next Top Model champ na si Maureen Wroblewitz na sinasabing crush daw ng aktor, kaya sigurado kaming hindi ito ang ‘date’ ni Ruru noong gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?