10

Oct 20, 2020 @ 15:36
By

Rural bank magpapautang para sa 13th month pay

Handang sagipin ng Rural Bankers Association of the Philippines ang mga maliliit na kompanyang naapektuhan ng COVID pandemic para maibigay ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado ngayong Kapaskuhan.

Ito ang inihayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa press briefing sa Malacañang .

Ayon kay Bello, pinaabot sa kanya ng RBAP na nakahanda nilang tulungan ang ilang kompanya sa pamamagitan ng ‘soft loan’ para malutas ang problema ng mga ito sa pagbibigay ng 13th month pay.

“I had a call from the President of the Rural Bankers Association of the Philippines, advising us that all the rural bankers are willing to provide soft loans to all micro and small business enterprises so that they can pay the 13th month pay of their employees,” ani Bello.

Dahil dito, sinabi ni Bello na walang dahilan para hindi makapagbigay ng 13th month pay ang micro, small and medium enterprise (MSME) dahil mayroong nakahandang magpahiram sa kanila ng salapi.

Naunang iminungkahi ng kalihim na i-exempt o kaya ay ipagpaliban muna ng mga kumpanyang pinalugmok ng COVID-19 ang pagbibigay ng 13th month pay subalit binawi rin kalaunan matapos umalma ang sektor ng mga manggagawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?