43

Jan 4, 2022 @ 8:54
By

Rumored dyowa ni Nadine sa pamilya Lustre nag New Year

Lalo pang umugong ang usap-usapan sa relasyon nina Nadine Lustre at ng rumored dyowa nito na si Christophe Bariou matapos makasama ng lalaki ang pamilya ng aktres sa pagsalubong sa bagong taon.

Sa Instagram post ng erpat ni Nadine na si Ulysses naispatan si Bariou sa pagdiriwang ng bagong taon.

“Goodbye 21. Hello 22. Happy New Year,” saad sa caption ng naturang post.


Matatandaang sa pananalasa ng bagyong Odette ay magkasama sina Nadine at Christophe sa pagtulong sa mga nasalanta.

Si Nadine ay may tahanan sa Siargao, kung saan naman may resort si Christophe, ayon sa mga ulat.

Bago pa manalasa ang bagyong Odette ay naispatan na rin umano ang pamilya ni Nadine sa resort na pagmamay-ari ni Christophe. (mjd)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?