48

Jun 27, 2022 @ 17:04

Rules of Survival nag-babu na

Tuluyan ng nagpaalam ang sikat na online game na Rules of Survival (ROS) matapos ang apat na taon.

Inanunsyo ito sa mismong official Facebook page ng ROS.

“Rules of Survival has ceased operations on June 27, 2022 at 15:00:00 (UTC+8). Thank you for your continuous support and love towards Rules of Survival,” saad sa post, na humakot na ng mahigit 11,000 shares.

Ang ROS ay isang free-to-play, multiplayer online battle royale game na sinimulang i-release noong Mayo 31, 2018.

Bago pa lang i-release ang ROS, inireklamo agad ng PUBG Corporation ang developer ng ROS na NetEase Games dahil sa copyright infringement. May mga parte raw ang ROS na kinopya sa PUBG.

Nitong Abril 27 naman nang unang ianunsyo ng ROS ang tuluyan nitong pamamaalam sa mahigit 230 milyon nitong manlalaro.

https://www.facebook.com/RulesofSurvivalmobilegame/posts/pfbid02zAojU7To5pNvANwF1K17qFo4eZcPoVqm9XYxFUMfGxZGmpSEFeAdnZrQWCEqXxanl

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?